Saturday, April 16, 2005

GOOFY GOOBER!!!

Isang espesyal na araw ang april 14, 2005. baket? dahil sa wakas! napanood ko na ang Spongebob Squarepants movie! Bwahahahaha!! hehe. ano b un.



kahit na pinipigilan ako ng maraming mga forces, ndi ako nagpapigil... kelangan kong mapanood ang pelikulang ito! hahaha. kasi ba naman, umalis ng maaga ang mga magulang ko and so ndi ako nakapagpaalam. at eto pa. dinala yung kotse ko kasi coding ung van. golly. so un. dumating ang nanay ko ng 430. nagpaalam na ako, pero akalain mo. intayin ko daw ang tatay ko bago ako umalis. tapos umalis ulit ung nanay ko (at dinala ulit ung kotse ko!! pero babalik naman daw sha kagad...) grabeh. tapos nagtext si ate kams na 6:50pm daw ung screening at sa bigR na daw kami magkita-kita. another kamalasan, wala pala akong load so ndi ko sila matext at mareplyan. hehehe. ayun, 6:10 dumating na nanay ko, pero wala pa tatay ko. sabi nya intayin ko daw kasi dadating na un. pero 6:30pm wala parin. so pinakawalan na ako ng aking inay.

meron akong 20 minutes para makarating sa sa BigR. usually mga 40 minutes un kung galing samin. that is kung ndi sobrang trapik. at ayun. nakarating ako ng aurora in 15 minutes (akalain mo un?! buti nalang natural born racer ako. hehehe), pero napagalaman kong ndi na pala ako kelangang magmadali dahil may 7:50pm screening pala sa sta.lu at dun nalang daw kami papasok.

pagdating ko sa bigR, kumakain na sila sa dimsum and dumplings. nga pala, ang mga dinatnan kong kumakain ay sina bel, guiller, claM at ate kamille. ang mahal pala ng pagkain sa DnD! ndi ko inakalang ganon ang presyuhan sa mukhang mumurahing kainan na iyon. hehehe.



ayun, pagkakain napagdesisyunan na sa bigR nalang kami manood at pumasok na sa gitna ng palabas dahil ayaw gabihin ng mga tao. so un, pumasok kami sa gitna ng palabas. at pagbukas ko palang ng pintuan ng sinehan, narinig ko na ang boses ni patrick at spongebob. naexcite ako at natuwa. hahaha. ayun, nakakatawa sobra ung pelikula! kaso sobrang nakakabobo ung ibang scenes. as in napapamura na ako minsan dahil mejo nakakainis na ung ibang pinaggagawa nila spongebob (pero nakakatawa parin just the same. hehe). sobrang panalo tlga ung pelikula. anlufet. idol ko magitara si spongebob.


GOOFY GOOBER! I'M A GOOFY GOOBER! YOU'RE A GOOFY GOOBER!

ayun, pagtapos ng palabas. dapat mag-ice cream bar kami sa shakey's kaso baka sarado na so nag mcdo nalang kami at nilibre kami ng sundae ni ate kams (salamats ate kams! sana maulit muli! hehehe). nagbonding muna at nagsharing. madaming new learnings. astig tlga ang mga learnings na nakukuha sa mga taong ito. ndi lang basta basta tsismis. mga facts tlga. as in trivia. mga pwedeng itanong sa laban o bawi. hahaha. sori sori.

mas masaya sana kung kasama ko nanood si kaye. kasi feel ko ndi kami makakahinga sa kakatawa. hahaha. kaso wala e... nakaalis na sha bago pa ipalabas an gpelikula. sayang... pero kahit na wala si kaye, natuwa naman ako sa gabing ito. una dahil kay spongebob. pero more dahil nakasama ko ang mga taong maraming mga new learning na ibinabahagi. hahaha. sana maulit muli. hehehe. para makasali na ako sa "game k n b?" at manalo ng 1 million. asteeg. lufet. hehe.

Wednesday, April 13, 2005

wala lang


astig no?



sumasakit na ba ulo mo? hehehe

Tuesday, April 12, 2005

driver for a day

absent kahapon ang driver ng nanay ko (si judai. hehehe), kaya ginising nya ako ng maaga para ipagdrive ko daw sha. so un, naligo lang ako tapos umalis na kami. ndi man lang ako pinakain muna. hehehe. (kasalanan ko rin kasi antagal ko bumangon.. hehe)

una, nagpunta kami ng city hall. may iiwan lang daw sha sa 8th flr kaya kahit wag na daw ako magpark. so inintay ko nalang sha. pero as usual, may isang guard na sumita sakin. so naghanap ako ng parking. ayun, nakahanap naman ako. mga 5 mins later, pinaring na ng aking mother ang celfone ko. meaning tapos na sha at hinahanap na nya ako. so pupuntahan ko na sha, e may bantay guy ung parking-an. akalain mo. wala akong barya. hahaha. so un, ndi ko sha binigyan kahit piso. ansama ng tingin sakin. wala pa naman akong tint. hahaha. pero ok lang, ndi ko na naman sha makikita ulit e. hehehe.

ayun, pagtapos sa city hall, nagpunta kami sa cubao. antrapik. from city hall to edsa palang antrapik na. nakakairita tlga mga bus. walang pakelam sa iba. napakaselfish! hahaha. ano b un. sobrang nakakapagod ang aming trip to the manila water office sa cubao. kasi alanganin ung location nung office, kelangan ka dumaan sa lane ng mga bus. sobrang nagsisiksikan sila. as in. tapos anlalakas ng loob dumikit sa kotse namin. as in sobrang lapit tlga nila sa pinto namin. tapos bumubusina pa. sinisigawan ko nga ung iba e. sabi ko "ano ba!" tsaka "o! o! cge pa! cge! ungas." tapos "freak." nakakairita kasi tlga ung mga bus e. tapos sabi ng nanay ko "ano ka ba? ndi ka naman nila naririnig, para kang sira jan!" hehehe. sori sori.

nweiz, tapos sa cubao, punta daw kami sa may sm north. magfifile daw sha ng income tax (ata.) pero daan muna daw kami sa may road 1 (sa likod ng sm north), may papapirmahan lang daw sha. ayun. pinapirmahan nya, tapos nagpunta na kami sa SM. pinarefill namin ung ink ng printer namin, tapos kumain kami sa tokyo tokyo. hehe. (share ko lang - meron nang eat all you can na yakisoba! 2-5pm daily! haha. asteeg.) tapos pinasa nya ung income taxstuff nya. tapos punta kami sa roosevelt ave. daanan daw namin ung tauhan nya. punta daw sila sa banaue.

so un, dinaanan namin sila sa roosevelt ave. tapos hinatid ko sila sa banaue. iniwan ko na nanay ko don kasi matatagalan daw sila doon, e may mga pinapagawa pa sha sakin. so un. after ko sila iwan, kinuha ko ung stocks sa tindahan namin sa roosevelt ave. tapos dinala ko sa timog. after non, bumalik ako sa cubao kasi may pinapabili si inay.

after ko mabili ung pinapabili, tinext ko si pitt. tinanong ko kung pwede ako pumunta sa kanila. kaso ndi sha nagreply. e ayoko pa kasi umuwi, kaya naglakad lakad muna ako sa gateway mall. tapos nagstarbucks. hahaha. nagbasa ako ng veronika decides to die habang nasa starbucks. first tym ko un nag starbucks mag-isa. hehe. wala lang. ayos naman pala ang experience. hehe.

haay... nakakapagod pala maging driver. lalo na pag trapik. at pag ndi power steering ang minamaneho mo. hehe. ansakit ng likod at pwet ko. kaya sa mga driver jan, bilib ako sa inyo. pag tinanong kayo anong trabaho nyo, ndi dapat "driver lang po", dapat "driver po!" hehehe. ayosh.

Sunday, April 10, 2005

Yehey!

2nd monthsary namin ni Kaye nung April 7, 2005.




Akalain mo un?! 2 months palang kami?! Whoa… parang 2 years na ang feeling ko e. hehe. Andami na naming pinagdaanan. Haay… miss ko na si Kaye.

Alabshu hun! Hehehe.




Saturday, April 09, 2005

Sabi sa inyo spongebob nalang e

May iba pa akong ginawa in between the last entry and this entry, pero ndi ko na mashado maalala ang details and mejo ndi worth ikwento. Hehe. Ang naaalala ko lang, kinuha ko ung yearbook tska kumain sa jollibee with Tristan, tsaka nanood ng Ms. Congeniality 2 with my tita and Pinky. Ah, tska anagpakababoy pala kami nung araw na nanood kami ng Ms. Congeniality2! Andami kong kinain! Haha. Kasi naman noh, order ng order ung tita ko. Hahaha.

Nweiz, nung april 6, lumabas ako with bro (a.k.a. mark), elmer, jed, pitt, unna, chi, and clauds. 7pm daw magkikita sa glorietta. Makikisabay nalang ako kay bro papunta sa glorietta para tipid sa parking tsaka para ndi ako maligaw ulit. Hehehe. 6pm daw kami magkikita ni bro sa katipunan, pero mga 330pm palang nasa ateneo na ako kasi kukunin ko yung transcript ni kaye. Ayun, pagkakuha ko, nagtext si Ate ClaM. Nasa megamall daw sila ni guiller. Inutusan ko silang pumunta sa Ateneo para samahan ako and they happily obliged. Hehehe. Joke. Basta, pumunta silang ateneo kasi tapos na silang mamili. Ayun, mga 4 dumating na sila. Tapos nag shakey’s kami para mag ice cream bar. Anlufet! Ang sulit tlga ng ice cream bar sa shakey’s! ayun, nagkwentuhan konti tapos mamaya maya 6pm na. actually mga 620pm na kami pumunta kay bro sa may overpass ng ateneo. Hehe. Ayun, umalis na kami ni bro at sinimulan ang aming paglalakbay. Hehe. As usual, nagusap kami about love and life habang nasa kotse. Tinatanong nya kung “in demand daw ba ang nice guys sa age namin” hehehe. Iniisip ata nya na maging bad boy nalang e.hehe. kasi daw “nice guys finish last”. Ayun, basta after some time of contemplation and discourse, nakaron kami ng corolla-expedition analogy. Hehehe.

Pagdating sa glorietta, pinuntahan namin sina chi, clauds, at elmer sa starbucks. Hehe. Sossy. May tirang vanilla frappe si clauds kaya pinaghatian namin ni elmer. Hahaha. ang sarap pala non. Hehehe. Ayun, kumain kami sa Tokyo Tokyo tapos naglakad lakad papuntang greenbelt 1 kasi dun ung may akmang screening sked. Tapos nakasalubong naming sina pitt, unna, at jed. Kaya sumama narin sila. Nanood kami ng “hide and seek” kahit na ang gusto ko tlga panoorin at ung pelikula ni spongebob. Ayun. First time ko makakanood sa greenbelt 1. maganda naman yung sinehan. Kaso wala akong mabilhan ng popcorn! Nakakainis! Nagccrave pa naman ako ng popcorn non! Hehehe. Ayun. Tapos nagkadelay pa sa pagpapalabas nung movie, kaya nagpicturan muna kami sa loob ng sinehan. Hahaha. akalain mo un! Para kaming mga baliw. Hehe. Pero un, fun naman. Ang scary nung movie. Maganda sha actually. Magaling ang pagkakagawa. Magaling ang pagkakaarte ni Robert de niro pati ni Dakota fanning. Ayun, pero may parts na creepy tlga na mapapa-“sabi ko na sa inyo spongebob nalang dapat e!” tsaka “labas na tayo” hehe. Pero ndi naman kami lumabas, tinapos naman namin ung pelikula. Maganda sana sha tlga, kaso mej kapareho nya ung twist ng the secret window. Kaya ayun, mej nabawasan ung kaastigan. Pero just the same, astig parin. Hehe.

Ayaw pa umuwi ng mga tao after ng movie, gusto ata uminom or sumthin. Kaya ayun, nagikot ikot kami in search of a place na mejo mura ang bilihin. Hehe. Antagal naming nagikot! Para kaming tanga. Hahaha. eventually, naisip nila na mura sa crocodile grill kaya pumunta kami don, kaso pasara na daw. Kaya ayun, naghanap ulit kami ng ibang place. Nagpaalam na si unna at pitt. Kaya ayun, ang natira nalang ay ako, si chi, clauds, bro, elmer, at jed. Napadpad kami sa T-bar. Mahal din ung drinks. 65 ung local beers! Akalain mo! Pero wala e, no choice. Hehe. Sabi ko sa meat shop nalang e! hehe. Kaso malayo na mashado kina clauds at chi. Hehe. So un… kwentuhan, bonding at inuman. Masaya. Astig. Enlightening. Madaming aral na napulot. Hehe.

After ng ilang trips to the bathroom, ok na kami (wel, ndi lahat pero most. Hehe). Ayun, uwian na. sumabay si chi kay clauds at sumabay kami kay bro pabalik ng katipunan. Mga 330am na ata kami nakarating ng katipunan. Asteeg. Ansaya ng gimik na ito (wel, masaya in tems of kasi andaming nangyari at maraming napagusapan. Hehe). May girl na frends na ang Gboys! Hahaha. ano b un. Sana maulit muli. Hehehe.

Gimik with the oldies (hehehe)

Nung march 31, lumabas ako wid chi ang the gabay oldies. Hahahaha. Kasama sa gimik na ito si sina ate Kamille, Sally, Ava, at Cla, tapos si chi at ako. Hehehe.


hate hava, claM, kuya mackie. (hindi ito kuha nung gimik, pero sila ay mga gabay oldies. hahaha)


Nagdrive ako papunta ng G4, at first time ko magdrive papunta don ng walang kasama. At tulad ng inaasahan ko, naligaw ako. Hahaha. ndi naman tlgang naligaw. Lumampas lang ako sa ayala. Hehe. Buti nalang naka U-turn ako bago mag-flyover. Hehe. Ayun, dpat magkikita daw sa powerbooks. At naligaw ako muli. This time sa loob ng mall. hahaha. sori a, ndi ko kabisabo ang makati malls e. mahirap lang kasi kami e. pang sm north at big r lang. hahaha. ayun, nakasalubong ko pa si Quino. Bumili daw sha ng cd’s at pauwi na sha. After a while, nagtanong na ako sa guard at nakita ko na ung powerbooks. E nasa sulok pala kaya ndi ko makita e. hehe.

Nakita ko kagad si chi pero kaming dalawa palang pala. Nagikot ikot muna at tumingin ng cd’s sa tower records. Maya maya dumating na si ate kamille. At gutom na kaming tatlo after a while. Antagal tagal ni claM! Nagpapark na daw sha pero antagal tagal magpark. Parang turtle! Haha. Sori sori. Ayun, so nauna na kaming tatlo sa kainan. Sa sbarro kami kakain kasi sabi ni Ate Kamille masarap daw don. Puno ung store kaya nagwait pa kami sandali. Eventually naka-upo na kami. Kasalukuyan na kaming kumakain nang dumating si Ate Cla. Ayun, umorder nadin sha. Tapos after a while dumating si AbbyG at Ate Sally. Wala silang maupuan nung una kasi sa dami ng tao. Pero nagkaseat naman sila after paringgan nung waiter ung nakaupo sa katabi naming table. (e kasi naman noh! Antagal na nilang tapos kumain! Nagkwentuhan ba naman! E andaming walang maupuan! Bwiset! Kung gusto nilang magkwentuhan, sa Luneta sila dapat! Haha. Ang hostile. Hehe) nweiz, ayun. Kain kami, at ang mahal mahal ng nagastos ko. Haha. Sori sori. O baka ndi mahal yun? Baka ndi lang ako sanay ng gumagastos. Hehe. Habang kumakain pala, may tumawag sa celfone ni Ate Sally. Akalain mo! Naguusap sila in Chinese! At namangha naman ako. Hehehe. Wala lang. pero dati marunong din ako non! Kaso ngaun ndi na. hehe. Wala lang. sharing.

Pagkakain, nanood kami ng “the pacifier”. Nung una ayaw ko yun, kasi parang ang korni. Pero natawa naman ako nung pinanood na naming. Kaso nakakaasiwa yung naka-upo sa likod namin. Tumitili ba naman! Tapos ndi pa naman panahon para tumili, as in nauuna sha tumili sa iba by minute or so. Nakakairita tlga. Hehe. Ayun. Tawa ng tawa si Ate Sally. (sha kasi yun katabi ko kaya sha ung napapansin ko. Hehe). Ok naman ung movie. Worth naman panoorin. Hehe.




After ng movie, naglakad lakad kami at nagchikahan about girlaloos and boylaloos. Hehe. Tapos uwian na after a while. Inuwi ni kind hearted claM si Chi sa paranaque. Naligaw ligaw pa kami. Buti nalang layas na bata si Ate Sally at alam nya ung mga pasikot sikot around the Metro. Hehehe. Tapos inuwi narin nya si Ate Sally at Ava sa Makati. Sa mga panahong ito, naaalala ko na walang signal ang mga sun cel nina Ate Cla at Ate Kamille, pero ung akin may signal. Hehe. Wala lang. ayun, tapos binaba na nya ako sa parking ng glorietta. E napipikit pikit na ako sa antok, tapos ndi ko pa kabisado ung daan. Kaya mej napadaan pa ako ng San Juan on my way home. Haha. Basta. Anlabo naman kasi ng mga kalsada sa Pilipinas e! walang mga sign! hindi driver friendly! Parang props lang ung mga signs na kinakabit. Ndi naman tlga helpful at ndi strategically located. Hehe. Ayun, natuwa naman ako sa gimik na ito wid the oldies. Hehe. Although mej nakakapagod. At sana kasama namin lumabas si kaye. Haay… magdrama ba. Hehehe.

How complicated can life be?!

May ilang mga nahinuha lang ako from the sharings nung death anniv ni jomar. wala lang. e kasi, may mga kwento don na ndi naman maiisip ng mga tao na nangyayari pala noon kung ndi pa kinuwento. Parang meron. Kahit ndi mo alam na nanjan o nangyayari, nanjan at nangyayari pari sila. Kasi like yung mga kwento nya, may ilang part don na alam kong nangyari, pero ndi ko alam ang ibang nangyayari pa sa loob ng pangyayaring yon. Gets? Hehe. Parang sa isang pangyayari, pwedeng iba iba ang nararanasan ng bawat tao. Sa parehong pangyayari, iba ang karanasan ng bawat tao. Kaya nga ndi natin pwede sabihin na, maniwala ka sakin, alam ko yan, nandun din ako e, or napagdaanan ko na yan kaya alam ko na yan. Ndi natin pwedeng ipataw sa iba ang karanasan natin. Kasi iba ang karanasan nila sa atin kahit na mukhang pareho lang naman on the surface. Yung mga parang wala lang moments sa atin a sobrang special na pala para sa kasama natin or sobrang disturbing or hurting na pala yung sinasabi mo kahit akala mo wala lang yung sinasabi mo. Sobrang complicated ng mundo!

Pwede tayong mag-advise, pero dapat maintindihan natin na yung mga actions or decisions na mukhang illogical for us ay ndi natin masasabing mali talaga kasi ndi nga tayo sila. Haay… alam nyo ba? We are all unique, just like everyone else. (yeah! Asteeg! Gusto kong maging philosopher! Aakyat nalang ako ng bundok! Haha. Pero ndi rin, kasi ansaya pagisipan ng mga nangyayari sa mga tao. Sobrang dami tlgang mapagmumunimunihan about life. Hehehe).

Ang astig lang tlga kasi lalo kong narealize na ang complicated ng mundo at napakadami sobrang nangyayari ng sabay sabay. Imposible talagang malaman natin ang lahat. So in essence, ang learning ko dito.. astig ang mundo. Hehe. Kung sino man ang gumawa ng mundo na ito, sobrang galing nya. (so God, you rock! Hehe) kaya mga frends, magpakumbaba tayo. Wag magmarunong at magfeeling na astig tayo or alam na natin lahat. Kasi ndi. Sobrang dami nangyayari sa mundo at sobrang kulang ang ating lifetym para malaman natin ang kahit katiting na part lang ng mga nangyayari sa mundo. Kaya cguro sobrang naiirita ako sa mayayabang at nagfefeeling na alam nila yung sinasabi nila. Hehehe.

Tenors d' best!

Nung march 29, 1st death anniversary ni Jomar. nagkita kita muna ang gabay peeps sa mateo ricci (ang pansamantalang tambayan ng gabay). Ang liit ng space na binigay ng school sa mateo ricci! Sobra tlga. Ewan ko nalang ano plano gawin ng EB para ayusin yun. Hehe. Gudlak! Nweiz, ang init sobra ng araw na ito! Naalala ko pa ang lagkit ng pakiramdam ko non. Hahaha. nweiz, nagjeep kami papunta sa sementeryo. Fun naman ung jeepney ride, ang kukulit ng mga tao e. hehe. Nweiz, pagdating namin sa puntod ni Jomar, nagdasal muna. Tapos kumain ng inihanda ng pamilya ni Joms, tapos kwentuhan. Tapos nagsharing sharing na mostly si Galei lang ang nagsalita. Hehehe. Nakakatuwa yung sharings nya. Tapos nagjamming ng mga astig na kanta tulad ng pare ko, at mga kanta ng grin dept. hehe.

Hindi kita makakalimutan Joms. para kang tv idol… Ur da man. Hehehe.

Ayun, tapos nagpunta kami nina pitt, guiller at chi sa ateneo para kunin yung kotse ko tapos punta kami sa “common room” bar kung saan may miting ang jargon at eardrum malady para sa regular gig. Hahaha. Antrapik papunta sa marikina! Kaya nagpicturan kami sa loob ng kotse! Hahaha. ang kukulet, sobra! eto ang ilang sampol:


mga walang magawa


wala tlgang magawa


nahkoh...


yan ang way ni chi ng pagsabing "tama na ang kakapicture sa sarili pitt!" hehehe


nweiz, pagdating sa common room, si jerico at angel palang andun. Maya maya dumating na si fael at Tristan. Tapos dumating nadin si Alfred at gep. Ayun, nagmiting kuno. Haha. May audition daw sa 3rd week of april.

Tapos tumambay muna kami dun sa coffee shop part nung place. Aircon e. hehe. Kumain at uminom ng konti. Kwentuhan at kulitan.

Relatibs


Mga pinsan ko at ang aking kapatid. Sa birthday ito ng aking daddy na kasabay nung grad party ni kaye. (Kuya Alvin, Pinky, ako, Aivee)

Birthday ni Niz!

Nung March 14 (ata a. ndi ko na sure e. hehe), nagadvance birthday treat si Niz kasi aalis na si Kaye bago pa yung birthday talaga niya. So un, nanlibre sha sa Italliani’s Greenbelt. First time ko makakakain sa Italliani’s kaya excited ako. Haha. Nung 1st monthsary naming ni Kaye, gusto ko sana sa Italliani’s kami kakain, buti nalang tinignan ko yung presyo the day before nung labas naming, sobrang mahal pala sa Italliani’s! haha. Buti nalang nakita ko kagad ung presyo! Kundi napasubo ako. Hehehe. Nweiz, un nga, sinundo ko si kaye sa kanila tapos late na kami nakaalis sa kanila kasi hinintay pa namin na dumating ung pinsan nya kasi ndi pwedeng maiwan mag-isa ung lolo nya. Ayun, so late na kami, tapos akalain mo naman ang swerte talaga. Pagdating namin sa may EDSA, antrapik! As in sobra. Kitang kita mo tlga ung sea of cars. Hehe. So napagdesisyonan naming sa C5 nalang dumaan. Na ndi naming kabisado ang daan. Haha. Roadtrip! Hehe. Ayun, sa awa ng Diyos, nakarating kami sa Italliani’s, although late na tlga sobra. As in patapos na sila kumain. Hehe. Ayun, gutom na gutom na tlga kami kaya lamon kagad. Haha. Astig pala sa Italliani’s, parang fazolli’s (tama ba ishfeling?) may libreng bread. Haha. Pero mas trip ko ung bread sticks ng fazolli’s. nweiz, ayun, busog na busog na kami. Hehe. Nagkwentuhan at nagpicturan kami ng mejo matagal tagal. Tapos nagpaalam na si peter kasi magpapacheck up pa raw sha ng tuhod. Tapos after a while nagpaalam na rin si zola kasi may bibilhin pa daw sha. Ayunm kwento kwento pa ng konti. A, nga pala! Nakita nakasabay naming kumain sa Italliani’s si JACKIE FORSTER. Haha. Wala lang. anlaki nyang babae. Ang bulky tignan. Hehehe. Pero ang pretty ng face nya. Nweiz, ayun, nagkkwento si ron about sa kanyang iniirog. Hehehe. Tapos imemeet daw nya later at magtatapat na sha ng wagas na pag-ibig. Hehehe. Ayun, umalis na si ron at jkb. So natira nalang ako, si kaye, at si niz. Tumingin tingin muna kami sa powerbooks, tapos nanood kami ng “spanglish”. Maganda naman ung pelikula kahit papano. Hehe. Although mej inantok na ako nung huli, siguro dahil sa pagod. Sabi pala ni niz kakaiba daw kami manood ng sine ni kaye. Ang ingay daw naming, hirit ng hirit. Hehehe. Ayun, tapos uwian na. wala lang. astig. Hahaha. Anlabo. Share ko lang, ito ung first time na nagdrive ako papuntang makati. Nakakapagod pala. Hehe. Pero astig naman, kasi kasama ko naman si kaye sa isa na namang first sa buhay ko. Sharing ulit, sha rin kasama ko sa unang pagdrive ko sa eastwood. Haha. Pati sa Lunata, at sa Manila, at iba pa. haay … hehe.

But wait! There’re more! Haha. Muntik ko na makalimutan, nagpunta rin pala kami sa Abenson’s greenbelt. Hehe. Astig ung abenson na un. Mahahawakan mo tlga ung mga gamit like videocam, celfones, etc. tapos pwede ka pa maglaro ng ps2. tapos sa 2nd flr, pwede ka manood ng tv. Kaso parepreho lagi ang palabas. FINDING NEMO! Haha. Ayun. Tumambay muna pala kami don. Naupo sa bean bags na mukhang bawal naman upuan. Hehe. Tapos nagphoto session! Hahaha. Kaso after a while nilapitan na kami ng isang employee don. Pasimple pa, kunwari may inaayos shang kung ano. Pero ang talagang gusto nya naman sabihin e “hoy! Magsilayas nga kayo jan! ndi naman kayo bibili tapos inuupuan nyo yang mga bean bags namin!” hehehe. Wala lang. masaya yung araw na yon. haay...

Picturan sa Abenson's Greenbelt








ang bottomless iced tea. bow.


sa bday treat ni niz: top - mike, zola, peter, kenneth. bottom - ron, niz, kaye


si kaye at ako ulit. sa italliani's parin.


si kaye at ako sa italliani's

Friday, April 08, 2005

Muling Pagkabuhay

Mga frends! Wassap?! Namiss nyo ako no? hahaha. Sori antagal kong ndi nakapagupdate. Tinatamad ako e… hehe. Ewan ko ba. Wala ako sa mood gumawa ng kahit ano. As in. haay… golly. Namimiss ko na si kaye. Nyek. Ano ba yun. Hehe. Pero dahil sa pangungulit nyo, pati sa napakasweet na post ni kaye sa tagboard ko, na akala mo naman sha amy blog! Hehehe. Luv u hun!

Eto na ang pinakahihintay nyo. The return of the comeback – ang muling paguupdate ng aking napakaastig na blog. (bumoto nga pala kayo sa aking poll. Hehe)

Ang mga susunod kong post ay mostly recap lang muna of the past few events na mej naaalala ko as of now. Hehehe. Wala lang. gusto ko e.