Sunday, April 16, 2006

almost but not yet...

para sa lahat ng nag-aabang na magpost ako muli,


MABUHAY! HAHAHA! hello sa inyong lahat. sana ok naman kayo mga minamahal kong tagasubaybay ng teleserye ng aking totoong buhay.

nag-update ako dahil ngaun ang anibersaryo ng huli kong post. ndi ko naman tlga to dapat
gagawin pero ginawa ko dahil alam kong maraming nag-aabang nito (feeling! hehe), may
countdown pa nga si chi sa blog nya para dito. ang sad naman kung nagcountdown pa sha para
sa wala dba? kaya eto na, para ndi kayo madisappoint. hehehe. nweiz, ok naman ako... tumaba
ako ng sobra since last year... maraming dahilan, pero mostly dahil andami kong kinain nung
nagpunta ako ng amerika at nagkawork ako at nagwowork parin sa call center kaya puro upo ako at ndi pinagpapawisan. weheheh.

almost but not yet ang title ng post na ito dahil ndi pa ako magkwento tlga about life.
gusto ko sanang ibahagi sa inyo ang aking adventures, opinions and learnings pero ndi pa
pwede dahil wala pa akong time mashado. night shift ako ngaun at ang buhay ko ay ganito:
gising, pasok, uwi, tulog, tapos gising na ulit. ganun lang tlga. as in. sulet na sulet ang
buhay. hahaha. shet.

ayun nga, pero wag kayong mag-alala. nagpasa na ako ng resignation letter at around first week of May e malaya na akong muli. ttry ko magfile ng leave para makalaya ako ng mas maaga
pero ndi pa sure un. so most probably, makakapagkwento ako ng todo at with feelings kapag
tuluyan nakong naging BUM muli. hehehe.

salamat sa inyong pag-intindi at patuloy na suporta sa astig na blog kong ito.


hanggang sa muli,


mikepogi



P.S. nais ko lang ibahagi, ang inet inet inet ng summer na ito. ang hirap matulog sa hapon. un lang. haha!