Saturday, April 16, 2005

GOOFY GOOBER!!!

Isang espesyal na araw ang april 14, 2005. baket? dahil sa wakas! napanood ko na ang Spongebob Squarepants movie! Bwahahahaha!! hehe. ano b un.



kahit na pinipigilan ako ng maraming mga forces, ndi ako nagpapigil... kelangan kong mapanood ang pelikulang ito! hahaha. kasi ba naman, umalis ng maaga ang mga magulang ko and so ndi ako nakapagpaalam. at eto pa. dinala yung kotse ko kasi coding ung van. golly. so un. dumating ang nanay ko ng 430. nagpaalam na ako, pero akalain mo. intayin ko daw ang tatay ko bago ako umalis. tapos umalis ulit ung nanay ko (at dinala ulit ung kotse ko!! pero babalik naman daw sha kagad...) grabeh. tapos nagtext si ate kams na 6:50pm daw ung screening at sa bigR na daw kami magkita-kita. another kamalasan, wala pala akong load so ndi ko sila matext at mareplyan. hehehe. ayun, 6:10 dumating na nanay ko, pero wala pa tatay ko. sabi nya intayin ko daw kasi dadating na un. pero 6:30pm wala parin. so pinakawalan na ako ng aking inay.

meron akong 20 minutes para makarating sa sa BigR. usually mga 40 minutes un kung galing samin. that is kung ndi sobrang trapik. at ayun. nakarating ako ng aurora in 15 minutes (akalain mo un?! buti nalang natural born racer ako. hehehe), pero napagalaman kong ndi na pala ako kelangang magmadali dahil may 7:50pm screening pala sa sta.lu at dun nalang daw kami papasok.

pagdating ko sa bigR, kumakain na sila sa dimsum and dumplings. nga pala, ang mga dinatnan kong kumakain ay sina bel, guiller, claM at ate kamille. ang mahal pala ng pagkain sa DnD! ndi ko inakalang ganon ang presyuhan sa mukhang mumurahing kainan na iyon. hehehe.



ayun, pagkakain napagdesisyunan na sa bigR nalang kami manood at pumasok na sa gitna ng palabas dahil ayaw gabihin ng mga tao. so un, pumasok kami sa gitna ng palabas. at pagbukas ko palang ng pintuan ng sinehan, narinig ko na ang boses ni patrick at spongebob. naexcite ako at natuwa. hahaha. ayun, nakakatawa sobra ung pelikula! kaso sobrang nakakabobo ung ibang scenes. as in napapamura na ako minsan dahil mejo nakakainis na ung ibang pinaggagawa nila spongebob (pero nakakatawa parin just the same. hehe). sobrang panalo tlga ung pelikula. anlufet. idol ko magitara si spongebob.


GOOFY GOOBER! I'M A GOOFY GOOBER! YOU'RE A GOOFY GOOBER!

ayun, pagtapos ng palabas. dapat mag-ice cream bar kami sa shakey's kaso baka sarado na so nag mcdo nalang kami at nilibre kami ng sundae ni ate kams (salamats ate kams! sana maulit muli! hehehe). nagbonding muna at nagsharing. madaming new learnings. astig tlga ang mga learnings na nakukuha sa mga taong ito. ndi lang basta basta tsismis. mga facts tlga. as in trivia. mga pwedeng itanong sa laban o bawi. hahaha. sori sori.

mas masaya sana kung kasama ko nanood si kaye. kasi feel ko ndi kami makakahinga sa kakatawa. hahaha. kaso wala e... nakaalis na sha bago pa ipalabas an gpelikula. sayang... pero kahit na wala si kaye, natuwa naman ako sa gabing ito. una dahil kay spongebob. pero more dahil nakasama ko ang mga taong maraming mga new learning na ibinabahagi. hahaha. sana maulit muli. hehehe. para makasali na ako sa "game k n b?" at manalo ng 1 million. asteeg. lufet. hehe.

5 Comments:

At Sun Apr 17, 09:42:00 PM, Anonymous Anonymous said...

may DVD na ng spongebob dito, punta ka na lang dito tapos nood tayo!

 
At Tue Apr 19, 01:47:00 AM, Blogger clatot said...

hahaha. natuwa ka tlga sa new learning mo ha? hehehe. sa susunod ulit. dpat ishare mo kay kaye yung mga learnings. hehehe.

 
At Tue Jan 24, 08:14:00 PM, Blogger Photography said...

hey. nice blog. thanks. God bless.

 
At Wed Feb 07, 11:57:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Enjoyed a lot! Driver bell howell digital camera Camedia olympus digital camera digital camera best phendimetrazine 105 online debt problem Nortons anti virus free download Dane county wisconsin property tax assessments Product liability + firestone + tires

 
At Wed Mar 07, 08:57:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Looking for information and found it at this great site... acuvue problem statement Drug test and throwing up vicodin

 

Post a Comment

<< Home