driver for a day
absent kahapon ang driver ng nanay ko (si judai. hehehe), kaya ginising nya ako ng maaga para ipagdrive ko daw sha. so un, naligo lang ako tapos umalis na kami. ndi man lang ako pinakain muna. hehehe. (kasalanan ko rin kasi antagal ko bumangon.. hehe)
una, nagpunta kami ng city hall. may iiwan lang daw sha sa 8th flr kaya kahit wag na daw ako magpark. so inintay ko nalang sha. pero as usual, may isang guard na sumita sakin. so naghanap ako ng parking. ayun, nakahanap naman ako. mga 5 mins later, pinaring na ng aking mother ang celfone ko. meaning tapos na sha at hinahanap na nya ako. so pupuntahan ko na sha, e may bantay guy ung parking-an. akalain mo. wala akong barya. hahaha. so un, ndi ko sha binigyan kahit piso. ansama ng tingin sakin. wala pa naman akong tint. hahaha. pero ok lang, ndi ko na naman sha makikita ulit e. hehehe.
ayun, pagtapos sa city hall, nagpunta kami sa cubao. antrapik. from city hall to edsa palang antrapik na. nakakairita tlga mga bus. walang pakelam sa iba. napakaselfish! hahaha. ano b un. sobrang nakakapagod ang aming trip to the manila water office sa cubao. kasi alanganin ung location nung office, kelangan ka dumaan sa lane ng mga bus. sobrang nagsisiksikan sila. as in. tapos anlalakas ng loob dumikit sa kotse namin. as in sobrang lapit tlga nila sa pinto namin. tapos bumubusina pa. sinisigawan ko nga ung iba e. sabi ko "ano ba!" tsaka "o! o! cge pa! cge! ungas." tapos "freak." nakakairita kasi tlga ung mga bus e. tapos sabi ng nanay ko "ano ka ba? ndi ka naman nila naririnig, para kang sira jan!" hehehe. sori sori.
nweiz, tapos sa cubao, punta daw kami sa may sm north. magfifile daw sha ng income tax (ata.) pero daan muna daw kami sa may road 1 (sa likod ng sm north), may papapirmahan lang daw sha. ayun. pinapirmahan nya, tapos nagpunta na kami sa SM. pinarefill namin ung ink ng printer namin, tapos kumain kami sa tokyo tokyo. hehe. (share ko lang - meron nang eat all you can na yakisoba! 2-5pm daily! haha. asteeg.) tapos pinasa nya ung income taxstuff nya. tapos punta kami sa roosevelt ave. daanan daw namin ung tauhan nya. punta daw sila sa banaue.
so un, dinaanan namin sila sa roosevelt ave. tapos hinatid ko sila sa banaue. iniwan ko na nanay ko don kasi matatagalan daw sila doon, e may mga pinapagawa pa sha sakin. so un. after ko sila iwan, kinuha ko ung stocks sa tindahan namin sa roosevelt ave. tapos dinala ko sa timog. after non, bumalik ako sa cubao kasi may pinapabili si inay.
after ko mabili ung pinapabili, tinext ko si pitt. tinanong ko kung pwede ako pumunta sa kanila. kaso ndi sha nagreply. e ayoko pa kasi umuwi, kaya naglakad lakad muna ako sa gateway mall. tapos nagstarbucks. hahaha. nagbasa ako ng veronika decides to die habang nasa starbucks. first tym ko un nag starbucks mag-isa. hehe. wala lang. ayos naman pala ang experience. hehe.
haay... nakakapagod pala maging driver. lalo na pag trapik. at pag ndi power steering ang minamaneho mo. hehe. ansakit ng likod at pwet ko. kaya sa mga driver jan, bilib ako sa inyo. pag tinanong kayo anong trabaho nyo, ndi dapat "driver lang po", dapat "driver po!" hehehe. ayosh.
5 Comments:
i like this part: tapos sabi ng nanay ko "ano ka ba? ndi ka naman nila naririnig, para kang sira jan!" correct ka jan tita! hahaha
wait lang.. anlayo ata ng narating mo. from timog to gateway? nagpark ka sa katipunan? :)
Public utility vehicle drivers all deserve to burn in hell. The government should take over the public transport sector (para wala na yang welga-welga na yan), and then send all public utility vehicle drivers to Mindanao to fight in the war. Or they can send them to Iraq.
yehey! pareho pala tayo ng tabas eh. kumakausap sa mga taong di ka nman naririnig. hehehe! go mike! ayus! dpat pla dumaan ka sa amin. malapit lang ako sa banawe. as in. haha.
haha! hoy chi! ang yabang mo naman! nagdrive ako papuntang gateway! hehehe. tama ka jan ray... pero naisip ko lang, ndi na exciting magdrive kung walang mga PUV. hehehe. oi claM! ganyan ka e. ndi ka naman nagyaya.. sana nanood na tayo ng spongebob! hehe.
You have an outstanding good and well structured site. I enjoyed browsing through it bifidobacterie eczema roll top bath tubs http://www.hot-tubs-1.info/girlunderbathtubfaucet.html agonist buspirone on behavior and
Post a Comment
<< Home