Saturday, April 09, 2005

How complicated can life be?!

May ilang mga nahinuha lang ako from the sharings nung death anniv ni jomar. wala lang. e kasi, may mga kwento don na ndi naman maiisip ng mga tao na nangyayari pala noon kung ndi pa kinuwento. Parang meron. Kahit ndi mo alam na nanjan o nangyayari, nanjan at nangyayari pari sila. Kasi like yung mga kwento nya, may ilang part don na alam kong nangyari, pero ndi ko alam ang ibang nangyayari pa sa loob ng pangyayaring yon. Gets? Hehe. Parang sa isang pangyayari, pwedeng iba iba ang nararanasan ng bawat tao. Sa parehong pangyayari, iba ang karanasan ng bawat tao. Kaya nga ndi natin pwede sabihin na, maniwala ka sakin, alam ko yan, nandun din ako e, or napagdaanan ko na yan kaya alam ko na yan. Ndi natin pwedeng ipataw sa iba ang karanasan natin. Kasi iba ang karanasan nila sa atin kahit na mukhang pareho lang naman on the surface. Yung mga parang wala lang moments sa atin a sobrang special na pala para sa kasama natin or sobrang disturbing or hurting na pala yung sinasabi mo kahit akala mo wala lang yung sinasabi mo. Sobrang complicated ng mundo!

Pwede tayong mag-advise, pero dapat maintindihan natin na yung mga actions or decisions na mukhang illogical for us ay ndi natin masasabing mali talaga kasi ndi nga tayo sila. Haay… alam nyo ba? We are all unique, just like everyone else. (yeah! Asteeg! Gusto kong maging philosopher! Aakyat nalang ako ng bundok! Haha. Pero ndi rin, kasi ansaya pagisipan ng mga nangyayari sa mga tao. Sobrang dami tlgang mapagmumunimunihan about life. Hehehe).

Ang astig lang tlga kasi lalo kong narealize na ang complicated ng mundo at napakadami sobrang nangyayari ng sabay sabay. Imposible talagang malaman natin ang lahat. So in essence, ang learning ko dito.. astig ang mundo. Hehe. Kung sino man ang gumawa ng mundo na ito, sobrang galing nya. (so God, you rock! Hehe) kaya mga frends, magpakumbaba tayo. Wag magmarunong at magfeeling na astig tayo or alam na natin lahat. Kasi ndi. Sobrang dami nangyayari sa mundo at sobrang kulang ang ating lifetym para malaman natin ang kahit katiting na part lang ng mga nangyayari sa mundo. Kaya cguro sobrang naiirita ako sa mayayabang at nagfefeeling na alam nila yung sinasabi nila. Hehehe.

4 Comments:

At Mon Apr 11, 11:59:00 AM, Blogger ava said...

oi, ndi lahat ng pilosopo, namumundok.. ;) hehe sapagkat ang pilosopiya ay ginagawa.

nway, cge lng. reflect reflect! :)

 
At Mon Apr 11, 08:35:00 PM, Blogger mikepogi said...

haha! alam ko! hehe. cnabi ko lang un para matawa ka. hehe ;P pero pag nasa ateneo ka namimilosopiya, nasa bundok ka dba? hehehe.

 
At Tue Apr 12, 11:03:00 AM, Blogger clatot said...

hahaha. ikaw tlga mike...kakaiba! pero tama ka. hindi tayo pare-pareho ng mga pagdanas sa karanasan. tama ba yun? basta yun. alam mo na yun. hahaha.

 
At Thu Apr 21, 08:32:00 AM, Blogger Elize Mignonette said...

Agree ako sa'yo! ito ang sinasabi laging, pareho ngunit ibang iba. Ironic di ba? nakakaloka ang mundo talaga. hehehehe saludo ako sa'yo...basta enjoy life lang and learn from the experiences...Ü

 

Post a Comment

<< Home