Sunday, March 27, 2005

ok...

anlabo... ndi ko gets bakit "ok..." ung title ng entry na ito. hehe. wala lang. wala akong maisip na title e. kasi siguro wala naman tlga akong idea kung anong isusulat ko ngaun.. hehe.

actually, dapat kagabi magpopost ako pics and kwento about the Gboys Christmas party, pati nung birthday ni niz sa italliani's atchaka mga ilang mga wala lang stuff... kaso a few minutes before ako magbukas ng pc... napahiga ako at napapikit. Pagdilat ko, umaga na. hehe. (ano ba yun! batugan! hehehe)

nweiz, umalis kami kanina ng aking pamilya. pinagiisipan namin kung sa greenbelt ba kami pupunta o sa gateway mall. ndi pa raw sila nakapunta sa gateway, kaya dun nalang kami napadpad. ayun... nanood ng sine, kumain sa burgoo, tsaka nag-ikot ikot ng konti. bumili yung kapatid ko ng flip-flops kahit sabi ko mukhang madaling masira un. (ang kontra ko no? hehehe) pero in fairness, maganda naman ung nabili nya (pero i still think na madaling masisira yun).

wala lang... kanina ko lang ulit nakasama sa mall ang utol ko.. kasi sa baguio na sha nagaaral.. (ndi ako nagdadrama a) narealize ko lang kanina.. ang tanda ko na pala talaga. hehehe. e kasi, pano ba naman! ang hilig magturo ng kapatid ko! bilmokonon-bilmokonyan, ha! as in! at sure enough, nabili nga sha ng ilang mga nakakatuwang kapritso sa buhay. yun nga, naisip ko kanina... ang tanda ko na. nahihiya na akong magturo at magpabili ng mga walang kwentang kapritso sa buhay. yung mga kelangan ko lang talaga yung pinapabili ko. parang ang totoy tignan na ang laki laki kong mama tapos nagpapabili ako ng kung anong flip-flop o bagong rubber shoes kahit na may sandals at sapatos pa naman akong matino. haay... kelangan ko na tlga magtrabaho. ang publema, tinatamad pa ako! hahaha. tsaka if ever, anong trabaho naman?! golly! obyus bang lost ako?! hehehe.

eto pa. narealize ko rin kanina (actually kahapon pa)... kelangan ko na talaga magtrabaho.. kelangan ko ng income!!! ndi lang para sa sarili kong luho, kundi pati para sa komunikasyon namin ni kaye. nagtext sha sakin nung isang araw, nasa tate na daw sha kasama si spongebob (ung stuffed toy na binigay ko sa kanya)... un, pero ndi ako nakareply kasi wala akong load. hehehe. hanggang YM message at email lang ako. ang publema, ndi pa sha makakonek sa internet kasi sa office lang ng mom nya sha makakapaginternet, e "springbreak" daw.. kaya baka next week pa sha makakonek sa net. ("springbreak"! akalain mo un! akala ko pag spring break, puro naka bikini lahat. e sabi ni kaye anlamig lamig daw dun ngaun. hehehe. wala lang)

ayun... tapos tumawag sha dito kahapon. nung isang araw pa daw sha tumatawag kaso ndi sha makakontak. mga 10 mins lang kami nakapagusap kasi naubos na ung prepaid card ng celfone na gamit nya. pero kahit sandali lang un, at least natawagan nya ako. e ako?! hindi ko pa sha matawagan kasi wala akong pera pambili ng load. hahaha! how sad. nakakahiya naman manghingi ng pera sa magulang ko para pantawag ng long distance. haay... kelangan ko ng raket! kahit konting income lang! baka meron kayong raket jan, sa-leh! hehehe

ayun... ang wasted ko. ewan ko baket, pero wala tlga ako sa mood na gumalaw galaw. baka namimiss ko lang si kaye. mawawala din siguro to as the days pass. haay life...

dapat lalabas kami bukas ni chi nd others. kaso walang nag-arrange. so un. cancelled na. haha. ang wasted. pati pagplano ng gimik tamarin ba. ang wasted mo chi! hahaha. ano b un.

3 Comments:

At Sun Mar 27, 11:40:00 PM, Blogger chi said...

ungas! nakakatamad talaga magplano e.. ganyan talaga ko. wasted na ako ngayon! hahaha :D

 
At Mon Mar 28, 12:18:00 AM, Blogger pittasteeg said...

malaki ka talagang mama lim! hehehe. sa MTV lang naka-bikini lahat kapag spring break! wehehehe, sa ibang lugar ata kasi mainit instead of malamig. pero ang alam ko, basta spring, malamig kasi kakatapos lang mag-snow. Tara, magpabayad tayo dun sa resto bar owner pag may gig na hehehehe:D

 
At Mon Mar 28, 01:28:00 AM, Blogger clatot said...

wawa naman si mike!gusto mo ireserve kita ng pwesto dito sa quezon ave? tabi tayo. malaki kita dito! hehehe.

 

Post a Comment

<< Home