Thursday, March 24, 2005

subok lang

ngayon ang unang araw na wala na si kaye sa Pilipinas... wala akong magawa... sumama ako sa paghatid sa kanya sa airport kagabi... pero ndi naman ako nakapasok ng airport kasi wala ako pass.. pwede pala makakuha ng pass e.. basta a few days before ka nagrequest. kaso wala sa plano na sumama ako sa airport e. kaya un. sayang. mas ok sana kung sa loob kami ng airport naghiwalay. un bang magbabay kami just before sha sumakay ng eroplano. haha. andrama! parang pelikula. pero at least memorable dba. astig un. hehehe.

haay... 6 months... antagal nun.. 20 plus weeks un.. OMG! napapraning na ako. hehehe. life e... it's hard. it's complicated. nweiz, kaya eto. tutuparin ko na muna ang isa sa mga pangarap ko. ang magkaroon ng sariling blog. nakakatuwa kasi magbasa ng blog ng iba e. it's about time to give back the favor. hehehe. sana matuwa rin ang mga taong magbabasa ng blog ko.

sori na ngaun palang, baka marami akong mga hirit na korni. tsaka baka madalas akong magburst into song habang nagkkwento at nagsshare ng aking thoughts about life. hehe. golly... ba't ganun? why is it? may mga bagay akong ngaun lang narerealize... tulad nito - i'm unemployed. at eto pa, tinatamad pa akong mag-apply sa trabaho. hehehe. oh wel, kaya nga may blog e. hehehe. ang haba na nang nasulat ko. pero wala naman tlga akong sinabing matino. astig.

4 Comments:

At Thu Mar 24, 08:11:00 PM, Blogger chi said...

michael dear! finally, you have a blog of your own. hehehe.. ayos lang yan na puro wala lang yung sinusulat mo, yun ang kagandahan ng blog :)

anyway, if you need help para mapaganda ang iyong blog, text me, or email or YM mo ako, okidokie? :)

20 weeks wont be that long dear.

 
At Thu Mar 24, 09:14:00 PM, Blogger ava said...

hmm.. nakakatuwa yun entry. hehe ganyang ganyan ka magsalita sa totoong buhay. :)

 
At Fri Mar 25, 12:03:00 AM, Blogger jn said...

ang drama mo :D kaya mo yan...kung kinaya mo ang 2 years ewan, kaya mo ang 6 months...

 
At Mon Mar 28, 01:35:00 AM, Blogger clatot said...

haha. kakatawa ka talaga mike. :D

 

Post a Comment

<< Home