charice!

ndi naman ako sobrang fan tlga ni charice, although nagagalingan ako sa kanya... pero since minsan lang ako makanuod ng international star, at kasama ko nanay ko...
parang ka-liga ko na sina ellen at oprah. wehehe.
before the highlight of the day (the charice pempengco experience), pumunta kami ng medical city at nanuod ng iron man.
isa pang maluhfet ang medical city! parang hotel! hehe. kakaiba ung feeling nung una kong makita ung garden nila. nakakarelax, ok na reflection station kung ndi lang mainit sa pilipinas. hehe.
ok din ung foodcourt nila.

eto ang matindi:
magkape ka muna habang nasa ICU (at nag-aagaw buhay) ang mga mahal mo sa buhay, hehehe.
ah, habang naglilibot pala ako medical city, nakita ko ung ateneo med school!

dapat mag-megamol kami ng nanay ko after, kaso sobrang puno na parking sa megamol dahil sale pala. so sa sm north nalang daw kami. aun. ang publema, biglang parang uminit ung aircon ng crv... tapos mamya tuluyan nang nawala tlga ung lamig. ang init init pa naman ng sikat ng araw! para kaming nag-sauna. hasel. hehe.

nung trailer pala before the movie, nakita ko ung hulk trailer. grabeh. kawawa naman si eric bana. ilang taon palang nakalipas nung naging hulk sha. tapos may bago na kagad. parang sinasabi na panget ung gnwa nya. tsk. ouch. o wel. hehe. sana mas maganda nga tlga ung bagong hulk movie. para ndi naman sayang ung sakit na idinulot nila sa pagka-artista ni eric bana.
aun, paglabas ng sinehan, dapat kakain na kami, pero may nadinig nga kaming kumakanta... si charice pala! wala lang. nakakatuwa. ang galing.
nuod tayo ulit ng iron man! hehehe.
sana andito si kaye for the iron man and charice experience. parang memorize nya lahat ng kanta ni charice kasi laging pinapanuod ng pinsan nya ung charice videos sa youtube e. hehehe. tska para may picture kami with charice tapos iinggitin nya ung pinsan nya. wahaha! sulet.
